Monday, May 23, 2005

Gung-Ho

Image hosted by Photobucket.com

I attended the BIGKIS Summer Youth Camp last May 19-22 in Tanay Rizal. It's a retreat mixed with exciting activities...the ones that will truly make one's body and soul fully alive.

It was indeed an experience filled with so much fun, laughter and talking to the Lord. I made friends with some wonderful people and reunited with some of my old friends. Masarap sanang magkwento kaya lang, it will really spoil Bigkis' main objective...

Eto lang ang tanging masasabi ko: I hope more people (both young and the young at heart) will join Bigkis and get Gung-ho about Christ Jesus!

Monday, May 16, 2005

Gullible Me

May dalawang klase daw ng tao na nabubuhay sa mundo: (1) ang mga manloloko, at (2) ang mga nagpapaloko...

...masakit mang aminin, subalit ang isang taong matalinong tulad ko (aherm!) ay naloko ng isang higit na matalino (kaya?) at tusong manloloko...

Just recently, kumanta ako sa isang kasal...the concerned parties were referred to me by a friend...in short, kaya ko lang sila nakilala ay dahil sa kaibigan ko...talks between me and the concerned parties went smoothly...I was to sing DURING the wedding and get paid AFTER the wedding...since kilala sila nung friend ko, okay na rin sa akin...sabi ko sa sarili ko, mukha namang matinong kausap ang mga taong ito at wala sa hilatsa ng mukha nila ang manloko...dumating ang araw ng kasal...syempre pa, ganda ng repertoire na hinanda ko...hinusayan ko rin ang pagkanta ko dahil ayokong mapahiya ang friend ko...natapos ang kasal...sabi nung kausap ko, "I'll get in touch with you tomorrow"...ever trusting that I was, I hold on to that promise...kaso mo, hindi sya tumawag kinabukasan...tumawag sya twice several days later, pero wala ako...alam mo naman, super hectic ang sked ko...when my mom told me na tumawag nga sya, nag-text ako sa kanya, apologizing for not being able to return the call...nag-text back naman sya, ang sabi, tatawagan nya ako later in the evening...dumating ang gabi, naghintay ako sa tawag nya...NADA!...at hanggang ngayon di pa rin sya tumatawag...as for my friend, well, na-mention ko sa kanya pero nagsabi na ako na wag na nya habulin kasi kung talagang magbabayad sila, di na sila kailangan pang i-remind...

…ok lang sa akin kung magbabayad sila...okay pa rin naman kung di na sila magbabayad...basta, hindi natutulog ang Diyos...at naniniwala ako sa KARMA...


Sunday, May 15, 2005

overjoyed

Image hosted by Photobucket.com

Overnight outing ng choir...kaya naman, marami ring "over" na naganap sa loob ng humigit-kumulang na labing-walong oras naming pagsasama:

Over # 1: Naligaw kami papuntang Villa Madonna sa Antipolo
And to think tatlong beses na naming napuntahan ang farm resort…pero ang nakakaloka dun, yung naging tour guide namin na, ayun sa kanya, "oo, alam ko ang papunta dun. Dire-diretso lang!" Talaga lang ha, kaya pala ng mamalayan namin eh nasa Teresa, Rizal na kami...wowee!!! (background music: "Be brave, little one...")

Over # 2: Bumabaha ng gamit sa pagluluto
Dalawang 1.5 na bote ng generic na matika...isang banig ng paminta...kalahating kilo ng siling labuyo...isang kilong sibuyas...isang kilong kalamansi...isang tray ng itlog at maraming talong na nag-disappearing act...at pang-isang daang katao na basong pinoy...yehey! Pwede na kaming magtayo ng sari-sari store!!!

Over # 3: Super biritan sa karaoke
Hay! Kung napapaos lang ang karaoke, malamang wala na syang boses dahil sa 18 hours straight na walang tigil na pagpapatugtog…at ang reigning Karaoke Diva: si Jingjing! Panalo talaga ang timing at ang choice of songs! Walang sinabi si Sam na music student...tsk,tsk,tsk...

Over # 3: Guest namin si Darna, si Ding, ang dalawang alien at si Buboy

Over # 4: Muntikan nang malunod si Ice
At ang salarin ay ang aming pinagkakatiwalaang tour guide! Hala, lagot ka kay Dada...

Over # 5: "Kinasal" ako...sa isang lalaki na ang gusto ay kapwa lalaki…at ang nagkasal sa amin...um, well...no comment...

Over # 6: Problema na naman...suyang-suya na ako...

Sa kabuuan, masaya naman ang aming ginanap na pagtitipon...next year ulit...pero sana wala na ang mga ka-"over"-an na ito!