
Nakakatuwa kaninang umaga. Nagbidahan kaming mag-anak tungkol sa mga nakakatuwa at nakainis na mga tagpo na nagaganap sa aming munting sari-sari store.
Masaya sa tindahan namin at eto ang mga patunay kung bakit:
- Saan ka nakakita ng taong naghahanap ng asukal, kape, paminta, asin, suka, toyo at patis, gayong ilang hakbang na lamang ay palengke na.
- Meron ding mga taong naghahanap ng tempra, dolfenal, decolgen, aspilet, biogesic, neozep, gardan, salonpas, colantro, mertayoleyt at agua oxenada gayong ang tindahan namin ay di naman botika...yung katapat ng bahay namin, yun ang botika!
- May mga taong naghahanap ng "cocomban", "bagulgang", "head ang shoulders", "juicy fruwit", "dabolment", at envelope na ang tatak ay "via air mail"
- May mga coƱotic at pasosyal effect na mamimili:
(a) Meron kayong mosquito killer? (lay man's term: katol)
(b) Miss, have kayo ng Marlboro Lights, the one in Gold? (yeah, right!)
(c) Meron kayong crape paper? (crepe paper, yung ginagamit sa art project)
- Meron ding mga medyo "tanga" na mamimili:
Ale : Manang, pabili po ng dyaryo...bago ho ba ito?
Syempre, saan ka naman nakakita ng lumang dyaryo na tinitinda, di ba?
Dahil dito, medyo nainis ang aking ina kaya sinagot nya ng...
Nanay Ko: Ay, luma... (tonong sarkastiko)
Ale : Ah... cge po, salamat. Saan ho ba merong nagtitinda ng dyaryo na bago?
...ay, patulan ba ang joke time ni mother?
- At mga pilosopong mamimili:
Mama : Manong, pabili po ng Pop Cola, maliit.
Tatay Ko: Ilan?
Mama : Isa lang po. Magkano isa?
Tatay Ko: 7.00
Mama : Bakit ho sabi sa TV, sais lang?
Tatay Ko: Eh, di sa TV ka bumili!
...oo nga naman!
- Meron ding question and answer portion:
Mamimili : Pabili ng sigarilyo?
Jhie : Anong sigarilyo?
Mamimili : Winston
Jhie : Red o Lights
Mamimili : Red
Jhie : Ilan?
Mamimili : Magkano isa?
Jhie : 1.50
Mamimili : Magkano 1 kaha
Jhie : 28.00
Mamimili : Cge, 4 na piraso lang
...ang ganda, di ba? Daig pa ang interrogation sa NBI!
- At dahil nagtitinda kami ng dyaryo at yung kodigo na para sa karera sa Sta. Ana, kailangang alam namin ang mga sumusunod dahil baka may magtanong ng:
- dyaryo na may ingles o kaya tagalog na editorial
- dyaryo na may horoscope
- dyaryo na may kwento tungkol sa sexual experiences
- dyaryo na may mga numerong lumabas sa lotto
- ang halaga ng mapapanalunan sa lotto
- masuwerteng kabayo na dapat tayaan sa karera
- araw at oras ng karera
Masaya magkaroon ng tindahan...kaya lang nitong mga nakaraang araw, ayokong magtinda...
sa sobrang bilis kasi tumaas ng mga presyo ng mga bilihin, di ko na alam kung ano ang
presyo ng mga paninda namin...hay!
Saturday, November 19, 2005
Kuwentong Sari-Sari
Posted by purple haze at 12:48 AM 0 comments
Friday, November 18, 2005
Happy Birthday, John
Para sa aking...
...ka-tagay ng Coke
...ka-partner sa aking debut
...kakosa sa kakulitan at kalokohan
...taga-puno ng inbox
...tagapagtanggol sa mga stalkers at krung-krung na tao
...katulad sa pagiging smart at intelligent (syempre, di ako papayag na ikaw lang!)
...karamay sa dusa at saya
at kaibigan for life...
MALIGAYANG KAARAWAN!
SI JOHN AY...
isa sa mga pinaka-paborito kong tao...a genuine friend...a loving son...a good husband material (o, wag na magreact, wala naman akong sinabi na civil status mo ah!) ;p
PERO...
di halata!...hehehe...pero, lapitin ng bading (hahaha!)...at mabagal kumilos kaya palaging nale-late...
SALAMAT SA...
lifelong friendship and for being the brother I never had...
DI KO EXCPECT NA...
he has remained the same John that I've known all these years kahit na dami nang dumaan na trials sa life nya...
AT SANA MALAMAN NYA NA...
na panalo na ako sa pustahan, hehehe...and that i'll always and forever be a friend that he can count on for better or for worse, in good times and in bad, in sickness and in health, in proverty and in plenty, in joke time and in seriousness...until...matapos ang forever! So help me, God.
Posted by purple haze at 12:58 AM 0 comments
Monday, November 14, 2005
An Affirmation
I don't take personal text surveys seriously. Actually, I am scared to find out how others would think of me as a person...However, it dawned upon me that you can really get something from it, an affirmation...something unexpected...but sincere.
I sent this survey to my Txtnonstop Tribe (thanks to Globe!) and it's nice to know how others valued my personhood, my uniqueness, my character...
I personally like what my good friend, John, said...mind you, it took him about four text messages to finally get the entire message across!
Here is it:
"SI JHIE AY...kaibigan ko na matagal na, as in matagal, alam mo yun, nung fetus pa lang kami nagtatawanan na kami...mabait yan
PERO...mataray, sasabihin ang gustong sabihin basta totoo lang queber kung masaktan ka, pero maayos pa rin naman approach niya
SALAMAT SA...halos magdadalawang dekada ng pakikipagkaibigan sa akin, biruin mo natiis mo yun. At salamat dun sa pang libre mo sa akin at sa pag sunod sa mga kantiyaw ko...ang coke, syempre...barbeque, chocolate sa ref nyo, balot, among others...
DI KO EXCPECT NA...until now friends pa rin kami, i mean yung tatagal talaga...sabagay, pareho naman kami mabait...Isa pa, di ko expect na magiging diretso buhok nya...salamat sa siyensya...
AT SANA MALAMAN NYA NA...sobrng thankful ako to have her as one of my good and closest friends"
Thanks for the affirmation, John!
Posted by purple haze at 5:49 PM 0 comments