May dalawang klase daw ng tao na nabubuhay sa mundo: (1) ang mga manloloko, at (2) ang mga nagpapaloko...
...masakit mang aminin, subalit ang isang taong matalinong tulad ko (aherm!) ay naloko ng isang higit na matalino (kaya?) at tusong manloloko...
Just recently, kumanta ako sa isang kasal...the concerned parties were referred to me by a friend...in short, kaya ko lang sila nakilala ay dahil sa kaibigan ko...talks between me and the concerned parties went smoothly...I was to sing DURING the wedding and get paid AFTER the wedding...since kilala sila nung friend ko, okay na rin sa akin...sabi ko sa sarili ko, mukha namang matinong kausap ang mga taong ito at wala sa hilatsa ng mukha nila ang manloko...dumating ang araw ng kasal...syempre pa, ganda ng repertoire na hinanda ko...hinusayan ko rin ang pagkanta ko dahil ayokong mapahiya ang friend ko...natapos ang kasal...sabi nung kausap ko, "I'll get in touch with you tomorrow"...ever trusting that I was, I hold on to that promise...kaso mo, hindi sya tumawag kinabukasan...tumawag sya twice several days later, pero wala ako...alam mo naman, super hectic ang sked ko...when my mom told me na tumawag nga sya, nag-text ako sa kanya, apologizing for not being able to return the call...nag-text back naman sya, ang sabi, tatawagan nya ako later in the evening...dumating ang gabi, naghintay ako sa tawag nya...NADA!...at hanggang ngayon di pa rin sya tumatawag...as for my friend, well, na-mention ko sa kanya pero nagsabi na ako na wag na nya habulin kasi kung talagang magbabayad sila, di na sila kailangan pang i-remind...
…ok lang sa akin kung magbabayad sila...okay pa rin naman kung di na sila magbabayad...basta, hindi natutulog ang Diyos...at naniniwala ako sa KARMA...
1 comments:
Oo nga. Karma is powerful. Returns 10x of what is given.
Post a Comment