Tuesday, January 25, 2005

Life's Lessons on SHoes

Here's one of the very few interesting emails na na-receive ko...it's really worth reading...and reflecting...

Image hosted by Photobucket.comTHE OVERUSED SHOES

When I went to Davao for Christmas vacation in 2001, I found what I think
was the best shoes I've ever had. It was a blue and white slip-ons with a
flower on its strap. Margay ang tatak niya. Ang tagal ko na naghanap ng
blue na kikay slip-ons at doon ko lang sa Gaisano Davao nahanap iyun. And
I bought the shoes for 500 lang! Feeling ko pa, suwerte ako dahil last
pair na iyun. And it was my size!
Sobrang natuwa ako sa kikay kong sapatos. At napakalambot niya! I wore the
shoes everyday because they would match anything... denim, slacks, capri
pants, skirt, dress. Gamit ko siya in the office, at the mall, in church,
even at the beach!
Dahil araw-araw ko siyang nagamit, at nasuot ko na siya sa kung saan, it
was expected na wala pang isang taon ay sira na siya. Sabi ko, okay lang.
May Margay naman sa Robinsons saka sa Landmark, siguro naman may ganoong
style pa sila. Ngunit napuntahan ko na lahat ng display ng Margay pero
wala akong nakitang katulad nang nabili ko sa Davao.
Nakadalawang uwi na ako sa Davao at pumupunta ako sa Gaisano, umaasang may
makikita akong ganoon klaseng sapatos. Hindi na nga ako naghahangad ng
eksaktong ganoon eh. Kahit na kamukha lang o kasing-lambot lang, okay na.
Kaso wala. Iyong kikay blue Margay na slip-ons ko -- na malambot at may
naka-angat na bulaklak sa strap, na bagay sa kahit anong damit ko -- ay
sira na ngayon.
Hindi lang siya sira, nangingitim na sa dumi, at hindi na kayang i-glue
ang punit na talampakan. Pero hindi ko pa siya maitapon-tapon. Hindi ko
alam kung bakit. Alam ko hindi ko na siya maisusuot uli, pero may reminder
naman ako na once upon a time, I had a perfect pair of shoes. Hindi ko nga
lang inalagaan.

Lesson learned:
Kapag nahanap mo na ang bagay o tao na sa tingin mo ay perfect na para sa
iyo, ingatan at alagaan mo. Huwag mong abusuhin. Kapag nawala sila, baka
wala ka nang mahahanap na kapalit. At habambuhay mo na lang iisipin na
"sana, inalaagaan ko siya."


Image hosted by Photobucket.comTHE "MAGANDA SYA PERO MASAKIT" SHOES

May fini-fit ako noon na sapatos sa Celine. Okay lang ang presyo. Maganda
ang material. Kikay ang hitsura. At kapag suot ko, nakaka-sexy ng paa. May
isang problema nga lang... masakit sa paa.
Pero cutie kasi siya eh. Saka on sale. At sadyang matigas ang ulo ko. Kaya
ayun, binili ko.
Sa umpisa, okay lang naman. Keri ko. Saka masakit naman talaga sa paa ang
bagong sapatos. Pero habang lumilipas ang oras, lalong sumasakit. Hindi
siya meant sa pangmatagalang suot. Habang suot ko siya, parang gusto kong
umiyak sa tuwing humahakbang ako. Pagdating ko ng bahay, puro sugat at
galos ang paa ko. At ilang linggo din akong may peklat sa paa dahil sa
diyaskeng sapatos na iyun.
Kapag sa umpisa pa lang, alam mo na masakit na sa paa at hindi mo puwedeng
suotin ng matagalan, huwag mo nang bilhin. Bakit mo pa itutuloy kung alam
mong masasaktan ka lamang kapag sinuot mo?
Parang pakikipag-relasyon din iyan eh. May mga lalake na good on paper,
bagay sa iyo, tipo mo nga eh. Ang kaso, panandalian lang siya. "Boylet"
lang kasi unavailable siya. Bakit mo pa itutuloy kong alam mong eventually
ay masasaktan ka lang? Sana, habang maaga pa, iwasan mo na.

Lesson learned:
Kung sa umpisa pa lang, alam mo na masasaktan ka lamang sa bandang huli,
huwag mo nang ituloy. Baka mag-iwan pa iyan ng scar na hindi mo na
maaaalis kailan man.


Image hosted by Photobucket.comTHE SHOES THAT GOT AWAY

May nakita akong magandang sandals sa Landmark. Mura lang, less than 500
lang siguro. Kakaiba din siya kasi hindi siya iyong style na makikita mo
sa babaeng katabi mo sa MRT. Black and white siya. Polka dots ang strap
niya pero hindi cheap ang dating. Ang kikay nga eh. tapos, two inches
iyong heels niya. Sinukat ko minsan, ang ganda sa paa!
Kaya lang, hindi ko siya binili. Kasi, kakaiba siya eh. Mahirap hanapan ng
ka-match na damit at bag. Saka kakabili ko lang kasi ng isang sandals kaya
sabi ko, next pay day ko na lang bibilhin ang polka dots na sapatos na
yun.
Madalas akong dumaan sa Landmark at nakikita ko ang sapatos na gusto ko
bilhin pero hindi ko mabili-bili. Ilang pay day na ang dumaan pero hindi
ko pa rin siya kinukuha para iuwi. Hanggang sa dumating ang oras na
kailangan ko ng isang kikay na sandals na may print. Naisip ko agad ang
polka-dots na matagal ko na gusto bilihin. Pero pag-punta ko sa Landmark,
wala na siya doon. Naubos na. Ang ending, napabili ako ng ibang printed na
sapatos na hindi ko naman talaga gusto pero wala akong choice kasi
kailangan ko na nga.

Lesson learned:
Kung magpapaligaya sa atin ang isang bagay, seize the day! Sa kaka-delay,
baka mawala lang sa atin ito at mauuwi tayong nagse-settle sa hindi naman
talaga natin gusto. Mas mahirap pagsisihan ang mga bagay na hindi mo
ginawa. Wala na yatang mas masakit pa sa thought na abot-kamay mo na lang,
pero pinalampas mo pa.

Sino ba naman mag-aakalang may mapupulot pala akong leksyon sa mga
sapatos? Kaya nga panay bili ko eh, para mas marami pa akong matutunan. Sa
susunod, I will find lessons from bags naman para ma-justify din kung
bakit sandamakmak ang bags ko

hay, minsan talaga makukuha mo ang life's valuable lessons sa mga simpleng bagay lamang...

0 comments: