
Sadyang kay bilis ng panahon. Di na natin namalayan na labinlimang taon na pala tayong magkaibigan.
Naalala mo pa ba nung una tayong nagkakilala? Ako, tandang-tanda ko pa lahat – ang petsa, lugar, okasyon, pati oras...o, san ka pa?!
Sa loob ng 15 taon, marami nang nabago...sa iyo...sa akin...sa ating mga pag-uugali at pananaw sa buhay...
Marami na ring mga bagay at tao na dumaan sa buhay natin na naka-apekto sa kung ano at kung sino tayo ngayon...
Sa pagkakataong ito, gusto kong malaman mo na natutuwa ako at naging bahagi ka ng pagkatao ko na di maaaring maglaho kailanman...
Salamat sa mga pag-aalala, pagmamahal, pagkakaibigan, luha, at tuwa na idinulot mo sa buhay ko...
Isang tagay naman dyan!
Thursday, March 23, 2006
Yin-Yang
Posted by purple haze at 6:44 AM
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment