Date:
May 20-21 (ay, di pwede si Ryan...)
May 27-28 (di pwede si Ate Jhie...)
June 3-4 (period. no erase. nasa akin ang susi. ang umangal, di kasali!)
Venue:
Villa Madonna -> Puerto Galera -> Pampanga -> Laguna -> Bulacan -> Cavite -> Puerto Galera -> Laguna...Villa Normita...FINAL ANSWER!!!
(parang tour of Luzon yun ah! napagod ako sa biyahe, in fainess!!!)
Departure Time from Manila:
7:30 (pero, 8pm talaga sya!)...naging 8:30 (pero 8pm talaga dapat sya!)...na naging 9:05 (hay salamat, nakaalis din...pero 8pm dapat talaga sya!!!)
Sidelights:
- naranasan mo na bang mag-hiking na nakasakay ka sa jeep?
- mataas ang lugar, promise...muntik na naming maabot ang mga bituin sa langit
- maganda ang lugar, pati ang mga quarters
- may slide!!!
- maligamgam ang tubig
- may kiddie pool na pwedeng paglagaan ng egg
- si mike ang pumalit sa trono ni jingjing sa pagiging videoke master (adik!)
- may presscon sa poolside ang Darling of the Press
- naging "falling star" si Marvin...not just once but twice!
- nalasing si mike at muntik nang...("teka, i don't owe any explanation to anybody!")
- nagluto si mike ng napakasarap na sinigang ("a way to a man's heart is through his stomach")
- nakapag-hire kami ng driver at all-around helper all rolled into one...partida na yun kasi kasama sa bayad yung upa sa jeep!
- na bad-trip si ate minda (eh sabi kasing ibigay mo yung songbook eh...damot!)
- ang sumabog na gulong sa South Super Highway
- ang kodakan sa South Super Highway (care namin sa gulong, no?!)
- ang charades sa jeep (Ninja Turles!...Ahmmm.... Ninja?...Turles?)
Kodak Moments:
Friday, June 02, 2006
SPPYC Post-Summer Outing Adventure
Posted by purple haze at 8:59 AM
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment