Saturday, April 29, 2006

the neophyte cook

We have lots of recipes and cookbooks at home but i never tried using them...ewan ko ba, parang ayaw kasi sa akin ng pagluluto...simpleng frying nga lang, naku po, para akong nakikipaglaban dahil bukod sa may hawak akong sheild (yung takip ng kaldero) at espada (siyanse), tumatalon-talon pa ako with matching cover-cover pa sa "sheild" kuno...hay!

Last night, habang nag-aayos ng mga kalat ko, i browsed through one of our cookbooks...stir-fried dishes...ah! madali lang 'to! At since mahilig ako sa sweet & sour, yung Stir-Fried Chicken Sweet & Sour with Pineapple ang pinili kong lutuin...15 minutes preparation, madaling mahanap ang ingredients, at higit sa lahat, madaling sundan ang instructions...

Matapos ang 15 minutes, eto ang kinalabasan:

Photobucket - Video and Image Hosting


Pinagsaluhan naming mag-anak ang aking unang dish...pwede na daw akong magluto sabi ng tatay ko...naks!

O ayan, pwede ko nang ma-apply yung saying na:
"A way to a man's heart is through his stomach."

Hehehe...

1 comments:

carol said...

yuuum! (except for the pineapple part; i don't like pineapples on ulam / pizza. hihi)