Thursday, January 27, 2005

Happy Anniversary to SPPYC

Image hosted by Photobucket.com

Today marks the 14th anniversary of the Sts. Peter & Paul Parish Youth Choir. My, oh my, how time flies! Imagine, I was there when the group started...fourteen years ago...at nandito pa rin ako!!! Kaya naman I thought of coming up with 14 things that i learned from the choir...just a reflection of how the choir changed my views in life and how it helped me to be the person i am today...read on...

14 Things I learned from the choir:

1. Singing is twice praying.
2. A choir member’s ultimate goal is to glorify God and sanctify the faithful.
3. No matter how hard you try, you just cant please everybody.
4. Commitment is synonymous to perfect attendance during rehearsals, mass service, and gimmicks.
5. Being too idealistic can put you into BIG trouble.
6. Diplomacy is not always the best solution.
7. Choir members come, and when they go, you simply can’t do anything about it.
8. Many are called, but only a few will choose to remain with the group, and more often than not, they are the people you least expect.
9. Choir members are worst critics when it comes to music.
10. Sing where the notes go. Don’t rely on your instincts.
11. No choral performance is one and the same, and each member of the group is responsible for it.
12. Nothing beats fellowship after a strenuous rehearsal or a magnificent performance.
13. Each choir member has a certain degree of artistic tantrums.
14. In the choir, you dont just have friends; you have a FAMILY.

Cheers to another year in God's service and good luck to all our endeavors!

"I will sing forever of your love, oh Lord
I will celebrate the wonder of Your Name
For the Word that You speak is a song song of forgiveness
And a song of gentle mercy and of peace."

Tuesday, January 25, 2005

Life's Lessons on SHoes

Here's one of the very few interesting emails na na-receive ko...it's really worth reading...and reflecting...

Image hosted by Photobucket.comTHE OVERUSED SHOES

When I went to Davao for Christmas vacation in 2001, I found what I think
was the best shoes I've ever had. It was a blue and white slip-ons with a
flower on its strap. Margay ang tatak niya. Ang tagal ko na naghanap ng
blue na kikay slip-ons at doon ko lang sa Gaisano Davao nahanap iyun. And
I bought the shoes for 500 lang! Feeling ko pa, suwerte ako dahil last
pair na iyun. And it was my size!
Sobrang natuwa ako sa kikay kong sapatos. At napakalambot niya! I wore the
shoes everyday because they would match anything... denim, slacks, capri
pants, skirt, dress. Gamit ko siya in the office, at the mall, in church,
even at the beach!
Dahil araw-araw ko siyang nagamit, at nasuot ko na siya sa kung saan, it
was expected na wala pang isang taon ay sira na siya. Sabi ko, okay lang.
May Margay naman sa Robinsons saka sa Landmark, siguro naman may ganoong
style pa sila. Ngunit napuntahan ko na lahat ng display ng Margay pero
wala akong nakitang katulad nang nabili ko sa Davao.
Nakadalawang uwi na ako sa Davao at pumupunta ako sa Gaisano, umaasang may
makikita akong ganoon klaseng sapatos. Hindi na nga ako naghahangad ng
eksaktong ganoon eh. Kahit na kamukha lang o kasing-lambot lang, okay na.
Kaso wala. Iyong kikay blue Margay na slip-ons ko -- na malambot at may
naka-angat na bulaklak sa strap, na bagay sa kahit anong damit ko -- ay
sira na ngayon.
Hindi lang siya sira, nangingitim na sa dumi, at hindi na kayang i-glue
ang punit na talampakan. Pero hindi ko pa siya maitapon-tapon. Hindi ko
alam kung bakit. Alam ko hindi ko na siya maisusuot uli, pero may reminder
naman ako na once upon a time, I had a perfect pair of shoes. Hindi ko nga
lang inalagaan.

Lesson learned:
Kapag nahanap mo na ang bagay o tao na sa tingin mo ay perfect na para sa
iyo, ingatan at alagaan mo. Huwag mong abusuhin. Kapag nawala sila, baka
wala ka nang mahahanap na kapalit. At habambuhay mo na lang iisipin na
"sana, inalaagaan ko siya."


Image hosted by Photobucket.comTHE "MAGANDA SYA PERO MASAKIT" SHOES

May fini-fit ako noon na sapatos sa Celine. Okay lang ang presyo. Maganda
ang material. Kikay ang hitsura. At kapag suot ko, nakaka-sexy ng paa. May
isang problema nga lang... masakit sa paa.
Pero cutie kasi siya eh. Saka on sale. At sadyang matigas ang ulo ko. Kaya
ayun, binili ko.
Sa umpisa, okay lang naman. Keri ko. Saka masakit naman talaga sa paa ang
bagong sapatos. Pero habang lumilipas ang oras, lalong sumasakit. Hindi
siya meant sa pangmatagalang suot. Habang suot ko siya, parang gusto kong
umiyak sa tuwing humahakbang ako. Pagdating ko ng bahay, puro sugat at
galos ang paa ko. At ilang linggo din akong may peklat sa paa dahil sa
diyaskeng sapatos na iyun.
Kapag sa umpisa pa lang, alam mo na masakit na sa paa at hindi mo puwedeng
suotin ng matagalan, huwag mo nang bilhin. Bakit mo pa itutuloy kung alam
mong masasaktan ka lamang kapag sinuot mo?
Parang pakikipag-relasyon din iyan eh. May mga lalake na good on paper,
bagay sa iyo, tipo mo nga eh. Ang kaso, panandalian lang siya. "Boylet"
lang kasi unavailable siya. Bakit mo pa itutuloy kong alam mong eventually
ay masasaktan ka lang? Sana, habang maaga pa, iwasan mo na.

Lesson learned:
Kung sa umpisa pa lang, alam mo na masasaktan ka lamang sa bandang huli,
huwag mo nang ituloy. Baka mag-iwan pa iyan ng scar na hindi mo na
maaaalis kailan man.


Image hosted by Photobucket.comTHE SHOES THAT GOT AWAY

May nakita akong magandang sandals sa Landmark. Mura lang, less than 500
lang siguro. Kakaiba din siya kasi hindi siya iyong style na makikita mo
sa babaeng katabi mo sa MRT. Black and white siya. Polka dots ang strap
niya pero hindi cheap ang dating. Ang kikay nga eh. tapos, two inches
iyong heels niya. Sinukat ko minsan, ang ganda sa paa!
Kaya lang, hindi ko siya binili. Kasi, kakaiba siya eh. Mahirap hanapan ng
ka-match na damit at bag. Saka kakabili ko lang kasi ng isang sandals kaya
sabi ko, next pay day ko na lang bibilhin ang polka dots na sapatos na
yun.
Madalas akong dumaan sa Landmark at nakikita ko ang sapatos na gusto ko
bilhin pero hindi ko mabili-bili. Ilang pay day na ang dumaan pero hindi
ko pa rin siya kinukuha para iuwi. Hanggang sa dumating ang oras na
kailangan ko ng isang kikay na sandals na may print. Naisip ko agad ang
polka-dots na matagal ko na gusto bilihin. Pero pag-punta ko sa Landmark,
wala na siya doon. Naubos na. Ang ending, napabili ako ng ibang printed na
sapatos na hindi ko naman talaga gusto pero wala akong choice kasi
kailangan ko na nga.

Lesson learned:
Kung magpapaligaya sa atin ang isang bagay, seize the day! Sa kaka-delay,
baka mawala lang sa atin ito at mauuwi tayong nagse-settle sa hindi naman
talaga natin gusto. Mas mahirap pagsisihan ang mga bagay na hindi mo
ginawa. Wala na yatang mas masakit pa sa thought na abot-kamay mo na lang,
pero pinalampas mo pa.

Sino ba naman mag-aakalang may mapupulot pala akong leksyon sa mga
sapatos? Kaya nga panay bili ko eh, para mas marami pa akong matutunan. Sa
susunod, I will find lessons from bags naman para ma-justify din kung
bakit sandamakmak ang bags ko

hay, minsan talaga makukuha mo ang life's valuable lessons sa mga simpleng bagay lamang...

Saturday, January 15, 2005

Nang minsang ma-STARSTRUCK ako sa Pornstars!

Umaga pa lang, bad trip na ako...kailangan kong tumugtog sa 7:00AM mass...ok lang, ang kaso, 10 minutes before the mass ako sinabihan...and to think yun pa lang yung time na nagising ako...STRIKE ONE!

9:00 na wala pa ang mga choir members na kakanta sa rockwell...mabuti na lang at dumating si Badette...at sya ang nagbitbit ng keyboard!!! Dahil sa hindi malamang kadahilanan, dumiretso na ng rockwell si Mike at si Jan...STRIKE TWO!!

Mabuti na lang at hindi na nag-STRIKE THREE dahil kung hindi, I would have probably spoiled the fun during lunch...anyway, sarap ng lunch namin courtesy of Elay...she treated us at Julie’s Restaurant in Borakay sa ParaƱaque (yung katabi ng Dampa)…calamares, ensaladang mangga at bagoong, buttered sugpo, inihaw na liempo, baked tahong and maya-mayang sinigang sa miso...ang dami kong nakain (yuck, ang takaw!)

After kumain, we went to Karaoke King sa Glorietta (3 nga ba yun, ah basta, located sya sa dating Quad Cinema!)…sing-to-death ang mga katauhan…ang ganda ng repertoire pati cover ng CD...syempre, may picture namin…ang title: PORNSTAR (ano ba yun?)

And here’s what I can say to their performance...

Ryan...Each Day With You...ano ba ito, audition? Hindi, malamang pinagpraktisan nya ‘to ng husto!!!...in fairness, walang kakaba-kaba ang lolo mo...pobstar na nga talaga :p

Dida...Torn...maganda ang timbre ng boses nya sa kantang ito, subalit medyo mahina kaya parang naging tunog ballad...kailangang lumapit pa sa mic ng konti...di bale, next time...

Mike…To Where You Are...Josh Groban, ikaw ba yan?...I specially like the line "...to see you smiiiiiiiiile"...grabe, pang birit queen talaga...

Carol...Power of Two...revelation ang batang ito!...she could give Indigo Girls a run for their money...ka-boses nya pa..."now the parking lot is empty...(with matching kulot-kulot d voice pa!)"...ning, di ka mukhang kabado, huh?...galing!

Jan...Unwell...I enjoyed listening to him...mas maganda compared dun sa una nyang recording...rock star ang dating...may angas..."im not crazy, I'm just a LITIL unwell..." yay!

Badette...A Little Bit...the song suits her voice very well...yun nga lang, nagmamadali syang tapusin ang kanta...di pa dapat tumaas, tumaas na...napagsabihan tuloy ni Dida…

Marvin...Crazy For You...I find her version far more refreshing than that of Cindi Lauper...para kasing bagong gising na tinatamad si Cindy...pero si Marvin, ah...iba sya...may sensuwalidad...mas maganda sana kung mapang-halina niyang binigkas ang mga katagang "crazy for you, baby"...

Jingjing...Kapag Ako Ay Nagmahal...idol nya nga si Jolina (obvious ba?)...hearing her sing the song takes you back to the actual setting of the movie...pati climate ng Baguio, damang-dama mo!...she has a powerful voice, wag lang kakabahan...ning, ikaw na nga lang ang tao sa loob ng booth, kinakabahan ka pa?...ay, dinig nga pala ng buong place ang boses mo ;p...

Elay...Loving You...isa pa to...kakabugin si Nina sa kanyang rendition ng Loving You...feel na feel...I give you a 10!

Ate Minda...Now That I Have You...trivia: one week nyang hinanap ang kantang ito!...kaya lang, alam mo naman, coloratura-soprano ang lola mo, kaya medyo sayad sya dun sa mga low notes...pero wag ka, kaya nyang tatapatan ang The Company dun sa climax part ng song...panalo!

And the award goes to...

Too much ado about nothing

I attended the wedding of my friend Emolyne yesterday. It was held at 4pm at the National Shrine of St. Michael & The Archangels near MalacaƱang.

Here are the sidelights:

For the Nth time, nag-panic na naman ako!!!

You could just imagine my disgust when i learned that at 1:30pm, my pianist is just about to get dressed for the occassion...and to think we agreed to meet at 1:30! Ang nakakaloka pa, i texted him and asked him to get a cab on his way to our place para sasakay na lang kami 'coz we need to pick up Ryan at BPI...after a few minutes, text ulit ako kung san na sya at kung nakasakay na sya ng taxi...he replied: "kukuha na ba ako ng taxi?" hello!?

Shift to panic mode (highest level)

Finally, dumating din sya...dinaanan na namin si Ryan and tumungo na kami sa aming paroroonan (kasama ko na pala si Darline)...clock reads: 3:00pm ...nay, panic ulit!...only to find out na ang relo ni Ryan ay 30mins advance (ganda!)...hay, salamat, walang traffic...pagdating sa church...tenenen...kami pa lang ang tao! Nakakaloka ito!!!

In short, nasayang ang pag-exert ko ng effort para mag-panic!

So there, rehease-rehearse, chika-chika...dumating si jen...chika ulit...finally, the wedding started...it went well, ok naman ang pag-awit ko dahil hindi ako pumiyok...ok din yung awit ni Ryan...

Fast forward: Manila Hotel, 6pm

Masarap ang pagkain...chicken terriyaki with leeks (eto yung mga green-green tienes na nasa ibabaw nung teriyaki na sa tingin ko ay "for beautification purposes" lamang)...Ryan sang Minsan Lang Kitang Iibigin...sarap ng dessert, baked alaska (strawberry-vanilla ice cream cake, yummy!)...nabunot din ang pangalan ko sa bouquet game (sabi ko na nga ba't malas ako pagdating sa draw lots)...ok lang kung mapili ako, naka-slacks naman ako...buti na lang hindi...maganda ang souvenir: rosaries from Rome...at ang walang kamatayang kulay pulang tin can na hugis puso ng Manila Hotel na may lamang cookies sa loob!



Image hosted by Photobucket.com
picture, picture...

After nun, punta kami nina darline at jen sa strumm's jupiter...ang saya!!! galing ng banda...maganda rin ang repertoire kasi they sang songs that are not too common...love moves in mysterious ways...after 2 smirnoff mules, 2 san mig light, at 4 na vodka blue...sign off na kami...laughing trip si jen...marathon chika si darline...at ako ay nahirapang maglakad sa aking 3-inch strappy shoes...hay!

Monday, January 10, 2005

My First Entry

i decided to create an on-line diary para maiba naman...high tech! mabuti na lang at surf-all-you-can kami dito sa office...si reginald kasi, di pa inaayos yung internet connection ko sa bahay :( ...kung di lang sya mahal ng best friend ko, malamang pinalabas ko na naman sya ng room!!!

It's 2005...hay! i hope this will be a good year for me...2004 naman was a nice year except for a specific news that really shattered my heart into a million pieces! Grabe na ito!!!

Move on, gurl... ;p



Oops, have to get going, have to meet George pa at Pancake House...sana maganda ang proposal nitong si George, or else...wala lang...hehehehe...i just hope this is not one of those networking chuva...